[+][-]
End-Year-Bang! Boom tarat tarat!
Tuesday, January 02, 2007
Things I did during the last 2 nights of 2006. (unordered, sa naaalala ko lang~)
Night 1...
Nanood ng fireworks display malapit sa office.
Sabay takbo!! Bomba! Mga bandang 7pm yata yun, habang ginagawa ko yung flash advertisement sa Kagay-an Online nung nakaramdam ako ng pagka-weewee. Sabay kami ni Robert, ka-officemate ko, dun sa CR.. madalas namin yan ginagawa - yung pagweewee nyahahaha! nagweewee lang kami nung bigla nakarinig kami ng sunod-sunod na pagsabog! Syempre, atat na atat ako, "yes! pagkakataon ko na! Counter strike na to! Sabay takbo! Gyera na!" Hehe, kinabahan pala ako.. pero slight lang.. lintek na kung bomba talaga yung sumabog!
Ahahaha! Asa pa ako, may fireworks display pala malapit sa office.. sa Rosario Arcade, Limketkai. Ang galing! Sumabay sa fireworks yung mga tunog na mga sensitive na mga kotse! Siguro pati owner, sensitive rin. Tactless pa naman ako minsan. Hoy off nyo yan! Ang sagwa ng mga tunog ng mga kotse nyo wahehehehe! Parang yung sa nestle ice cream. ten-tenenen-tenenen... wahah.. Akin wala! 1 Message Received. Tapos sabay txt "i'm here na, likod ng mcdo. wer na u?" Hala! Dumating na pala yung kaibigan ko pero nanonood rin pala ng fireworks. Kaso nasa likod siya ng mcdonald. Babae pa naman yun, mag-isa lang. "Yay! Bihira lang fireworks~ yung babae, hehehe.. bihira rin!"
After fireworks, sinundo namin ni Robert yung kaibigan kong tawagin na nating "Enday". Sayang wala si Francis. Andun pa yata sa boarding haus nya, nagliligpit kase uuwi sa kanila para dun na mag new year! haha! Ok na rin! Imagine, magkasya pa kaya sa motor ni Berting Labra? Wahoho! franz, peace yo! 2007, year mo naman! nyahahaha!
Tapos ayun! Kumain kami sa isang restaurant na medyo malayo sa urbanidad. Sarap ng manok at kinilaw! Kaso walang ice! Yung in-order na iced tea ni "Enday" wala nang ice.. Tea na lang! Ok lang sarap naman!
Pagkatapos nun, nagkita-kita na kaming apat.. uu! andun na pala si francis sa night cafe. First year namin *este* first time! First time naming magkasama tagay sa night cafe.
Tapos hinatid na namin si Francis para makauwi na yung santa claus namin huhuhuhuhu! Aww.. hindi pala ako nakasama.. hahahahah!
Tapos, kami na lang pala dalawa...
Night 2...
Kumain sa isang restaurant kasama ang dalawang kaibigan.
Di ko naman naenjoy yung pagkain! Ang bagal pa ng service! Sabay ligpit na ng mga mesa at upuan! Ano ba yan amfufu~! Papaalisin ba kami? Di na lang sana kayo nag-open! Walang lasa yung fish sweet n sour, kinilaw, at lumpia! Pweh!
Hinatid na namin yung isa sa bahay niya. GF niya actually.. badtrip nga eh wala ako kapartner. Tapos pagdating dun sa bahay ng gf niya, nag-aabang yung maraming pagkain! Lintek nga naman, tsk tsk, di namin inisip na dun na lang kumain, libre pa! Bobo kase, bobo namin!! Hayzz.. ok lang, tapos na! Patay na si Saddam.. Di na maibabalik. Pero yung hamon, nilantakan ko pa rin kahit medyo busog na busog pa. Ayun, konteng redhorse.. uu konti lang.. ang sama ng lasa! walang ice! hahaha! nagrereklamo ba?
Tapos ayun! Paalis na kami! Sweet ni tita, may pinabaon sa aming isang pakete... paputok. PICCOLO. yung maliliit na akala mo'y watusi pero nakakabingi pala! Kakagulat minsan, mapapamura ka YATEH! Kurat ko! Tapos sabay alis na kami...
Final Destination (2006) ..... SM bakanteng lote near Link2Support
Syempre, kami na naman dalawa ni Berting yung naiwan. Ok lang, hahaha! Marami-rami naman yata yung gasolina ng motorsiklo nya! Pag sinindihan yung motor, I'm sure, pinaka-dabest na fireworks display yun! KABOOM!
Ayun, maliban sa pabaong piccolo box, stop-by muna kami sa isang 24/7 store, nagpapaload tapos bili ng 2 beers in can. hahahah~ parang yung sa movie nun... "pare ko", "stokwa", "overdrive" wahahaha! Hilas!
Inaabangan na namin yung 12 mn! lapit na 2007! Naka set na kami sa lugar namin! Woohoo! Ang lawak... astig talaga ung SM dito sa Cagayan de Oro, nasa tuktok ng bundok. Daig pa yata yung sa SM Baguio wahahha! Asa pa!
Lapit na talaga 12mn! Advanced ba yata relo namin??? Dami na paputok!! Dami na rin nagtetext!!
5.. 4.. 3.. 2.. 1...
Happy yu beer!!!!!!!!!
2007! ahahahha! Ayun.. headlines kinabukasan. Daming daliri ang nailibing! Buti na lang di akin! Nyahahahaha!